34 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

DepEd Bicol Enrollees Sa Public At Private Schools Para Sa School Year 2021-2021 Pumalo Na Sa 500K

- Advertisement -

Iriga City – Pumalo na sa 529, 138 ang kabuuhang bilang ng mga enrollees ngayon school year 2021 – 2022 sa mga pribado at pampublikong paaralan sa buong Bicol Region.

Base sa tala na Department of Education Regional Office V, mayroon ng 85, 366 ang nakapag-enroll na sa kinder garten, 192, 462 sa elementarya, 147, 475 sa Junior High school, 103, 170 sa senior high school at 665 sa Non-Graded sa elementary at Junior High school.

Sa Albay, aabot na sa 73, 178 ang nakaenroll sa kanilang mga paaralan, Camarines Norte 67, 254, Camarines Sur 135, 197, Catanduanes 28, 081, Iriga City 10, 791, Legazpi City 22, 342, Ligao City 8, 831, Masbate Province 59, 561, Masbate City 10, 052, Naga City 17, 037, Sorsogon Province 64, 049, Sorsogon City 23, 567, at ang Tabaco City mayroong 9, 198.

Umaabot na sa 514, 727 ang kabuuhang bilang na nakaenroll sa pribadong paaralan habang nasa 14, 384 sa pampublikong paaralan.

Ayon kay Mark Kevin Arroco, ang Project Developer Officer ng nasabing tanggapan, mababa pa ang bilang ng mga enrollees dahil sa may mga ilang paaralan ang hindi pa nakakapagsumite ng kanilang report.

Aniya, sa Setyembre 13, 2021 ang huling deadline ng pagpapalista sa enrollment.

Maaari rin umanong tumaas ang bilang ng mga enrollees sa mga paaralan ngayong pandemya dahil sa pagbubukas ng enrollment sa kinder

Source: Bicol News

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -