Department of Disaster Resilience ‘dapat nang maisabatas’- Cayetano

0
39

Nanawagan ang dalawang mataas na opisyal ng kamara sa senado na pabilisin ang pagpapatibay sa panukalang lumilikha sa Department of Disaster Resilience (DDR).

Ani House Speaker Alan Peter Cayetano, isa sa pangunahing may-akda ng panukala, ang agarang pagpapasa ng naturang panukala ay malaking tulong para mas mapabuti ang pagtugon ng pamahalaan sa mga kalamidad gaya ng hagupit ng bagyo, pagbabaha, lindol pati na rin ng nararanasang pandemya gaya ng COVID-19.

Kasabay nito, umaasa naman si Majority Leader Martin Romualdez na makikipagtulungan ang senado sa kongreso para tuluyan nang maisabatas ang panukala para aniya  masiguro ang kaligtasan ng bawat Pilipino.

Nauna rito, nitong nakaraang araw, ay lumusot na sa kongreso sa ika-3 at huling pagbasa ang panukalang bumuo ng DDR.