29 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Denver Nuggets pinataob ang Lakers sa game 3 ng WCF

- Advertisement -

Dalawang krusyal na 3 points shots ang naipasok ni guard Jamal Murray sa 4th quarter para tulungan ang Denver Nuggets na talunin ang Los Angeles Lakers sa iskor na 114-106 sa kanilang game 3 para sa Western Conference Finals (WCF)  ng NBA kahapon.

Sa kabuuan, nakakolekta si Murray ng 28 points, 12 assists at 8 rebounds para ilapit ang nuggets sa 1-2 agwat sa kanilang serye ng Lakers.

Bukod kay Murray, humataw rin si Jerami Grant ng playoff career-high 26 points habang pumoste naman si center Nikola Jokic ng 22 points at 10 rebounds.

Nakuha rin ng nuggets ang 20 point lead sa 10:30 minuto ng 4th quarter bago nakabangon ang lakers sa hinulog na 19-2 bomba para madikit sa 4 point deficit.

Samantala, pinamumunuan naman ni Lebron James ang Los Angeles Lakers sa kanyang triple-double na 30 points, 11 assists at rebounds habang may 27 markers naman si Anthony Davis na kumolekta ng buzzer betaing triple sa game 2.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -