36 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

DENR sinibak ang 5 MGB-7 officials kaugnay sa landslide sa Naga City Cebu

- Advertisement -

Sinibak sa pwesto ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang limang matataas na opisyal ng Mines and Geosciences Bureau sa Region 7 (MGB-7).

Ito’y kaugnay sa nangyaring landslide sa quarry site sa Naga City, Cebu na kumitil sa halos 30 katao.

Kabilang sa sinibak na mga opisyal ay sina MGB-7 Director Loreto Alburo, Chief Geologist Al Emil Berador, Atty. Jerry Mahusay at Supervising Geologist Dennis Aleta.

Samantala, ipinabatid ni Cimatu na bumuo na rin siya ng grupo na susuri sa tunay na dahilan ng landslide.

Kasabay nito, sinabi ng kalihim na kaniya na ring sinuspindi ang quarrying operations sa halos anim na rehiyon kabilang na ang Central Visayas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -