Lungsod ng Heneral Santos – Tauhang pandangal ang Kalihin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Roy Cimatu sa pagbubukas kanina sa “TAYO ANG KALIKASAN GOES TO SARANGANI BAY.”
Hinihikayat ng kalihim ang mga mamamayan sa buong Rehiyon 12 na magkaroon ng kooperasyon at tulong-tulong sa pagpangangalaga sa kalikasan.
Binuksan ng Kalihim sa pamamagitan ng ribbon cutting ang trade fair sa loob ng SM Mall of Gensan na may maraming exhibit na mga pananim na mga punongkahoy na dinalohan sa ibat-ibang mga munisipyo sa buong Rehiyon 12.
Sa nais na makibahagi sa malaking layunin ng Duterte Administration ay hindi nagpahuli ang Ama sa Lalawigan ng Sultan Kudarat na si Gobernador Datu Pax Mangudadatu Alhaj sa kanyang malaking suporta sa programa ng DENR kung saan halos lahat ng mga munisipyo sa buong Sultan Kudarat ay nakibahagi sa trade fair for Environment at mayroong exibit sa loob ng SM Mall of Gensan.
Si Gobernador Pax Mangudadatu ang siyang umasikaso sa mga iterinary ni Secretary Roy Cimatu dito sa Rehiyon.
Tuwang-tuwa naman ang pinakabata na apo ni Gobernador Pax Mangudadatu na responsableng Mayor sa Bayan ng Lutayan, sa lalawigan ng Sultan Kudarat na si Princess Mangudadatu Sakaluran dahil sa kasiglahan na ipinakita ng kanyang Lolo na siyang nagbigay sa kanya ng inspiration upang pangasiwaan ang Bayan ng Lutayan kung saan nagsimula si Gob. Pax Mangudadatu bilang Mayor noong 1987.
Ang “TAYO ANG KALIKASAN” Program na inilunsad dito sa Gensan ay ang pangalawang pagbubukas sa nasabing programa. Una itong inilunsad sa sa Laog City kamakailan lamang at tuloy-tuloy na ito hangang sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
Balak sa nasabing programa na maprotektahan ang kalikasan sa lahat buong bansa at pinahalagahan sa ganitong programa ang tunay na pangangalaga sa ating karagatan at ayaw na ng kalihim na mauulit pa ang nangyayari sa Boracay.