Deliberasyon ng proposed 2019 national budget itutuloy sa Kamara ngayong araw

0
46

Ipagpapatuloy ng Kamara ngayong araw ang deliberasyon sa 3.757 trillion peso proposed 2019 national budget.

Ito ang inihayag ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr. matapos hindi magkasundo sina Pangulong Rodrigo Duterte at House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa budget system ng panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.

Ayon kay Andaya, nagkasundo na silang mga mambabatas at ang ehekutibo na magkaroon ng kompromiso upang tuluyang umusad ang deliberasyon matapos na kanselahin ito pansamantala.

Kabilang dito ang re-alignment ng mga alokasyon sa ilalim ng 2019 proposed hybrid national budget para masolusyunan ang malaking kaltas sa ilang mahahalagang sektor kabilang na sa edukasyon at kalusugan.

Bukas din aniya ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na magpasa ng supplemental budgets para mapondohan ang implementasyon ng Bangsamoro Organic Law.