Deliberasyon ng 2020 national budget magiging circus lamang kung isasapubliko—Cayetano

0
13

Naniniwala si House Speaker Alan Peter Cayetano na magiging circus lamang ang Bicameral Conference Committee sa deliberasyon ng P4.1T 2020 national budget kapag binuksan ito sa publiko.

Sinabi ni Cayetano na bagamat suportado nila ang anumang panukala para maging transparent ang 2020 national budget dapat pa rin itong paalam kina Senate Committee on Finance Chair Sonny Angara at Hopuse Appropriations Committee Chair Isidro Ungab.

Nilinaw ni Cayetano na hindi sila takot sa transparency subalit ayaw naman nilang maging circus ang Bicam kapag ini-live ito lalo nat may media coverage at may mga tao sa gallery na maaaring maka distract sa pag uusap hinggil sa budget.

Dapat aniyang ang Senado ang unang maghain ng formal proposal sa Kamara upang maging bukas sa publiko ang Bicam bago magpasya ang mababang kapulungan dahil sa ngayon ay si Senador Panfilo Lacson lamang ang mayruong gusto nito.