Delgra pinagbibitiw sa pwesto ng ilang transport group

0
55

Pinagbibitiw sa puwesto ng ilang transport group si LTFRB Chairman Martin Delgra.

Dahil ito sa anilay mga kontra sa mahihirap o anti poor na mga panuntunan na ipinatutupad ni Delgra sa LTFRB.

Kasabay nito, nilinaw ni ACTO President Efren De Luna na hindi tigil pasada kundi kilos protesta lamang ang kanilang ipinatupad ngayong araw na ito na nilahukan ng 500 unit ng jeepney.

Mula Quezon Memorial Circle, nag caravan ang ACTO patungo sa tanggapan ng LTFRB kung saan naroon naman ang grupong PISTON.