Deboto ng itim na Nazareno pinaghahanda sa malaking pagbabago sa Traslacion

0
48

Dapat na maging handa na ang mga deboto ng Poong itim na Nazareno sa mga malaking pagbabago sa nalalapit na Traslacion.

Ayon kay Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar ng Basilica Minore ng itim na Nazareno, ikinukunsidera na ng Procession Committee ng simbahan ng Quiapo ang mga pagbabago para sa nalalapit na Traslacion dahil pa rin sa banta ng COVID-19.

Aniya, ilalatag nila sa Inter Agency Task Force (IATF) ang kanilang inisyal na mungkahi sa kung paano maisasagawa ang taunang Traslacion, at pagdiriwang ng pista ng itim na Nazareno.

Gayunman, sinabi naman ni Badong na dapat maihanda o maikundisyon na ng mga deboto ang kani-kanilang mga sarili dahil posibleng wala nang isagawang mga aktibidad sa Luneta Park, Quirino Grand Stand, at ang tradisyunal na prusisyon.