Debateng may ‘guidelines’ tinanggap ng Otso Diretso

0
59

Photo Credit: Senator Bam Aquino / Twitter 


Tinanggap ng Otso Diretso ang hamon ni Davao City Mayor Sara Duterte na dapat mayroong guidelines ang debate sa pagitan ng administration at opposition senatorial candidates.

Ayon kay Senador Francis Pangilinan, campaign manager ng Otso Diretso, makikipag-ugnayan siya sa mga incumbent senators na kandidato ng Hugpong ng Pagbabago para plantsahin ang guidelines para sa debate.

Una rito, hinamon ng Otso Diretso ang Hugpong ng debate sa Plaza Miranda noong February 25 matapos sabihin ni Duterte na handa ang kanyang mga kandidato na humarap sa debate.

Gayunman, wala kahit isa sa mga kandidato ng Hugpong ang sumipot sa Plaza Miranda.

Ipilinaliwanag ni Duterte na dapat ay magkaroon muna ng kasunduan sa lugar ng debate at hindi bara-bara o parang palengke style na basta na lamang sila magsasabi ng lugar at kung kailan.

—-