Death toll sa dengue sa regions 6, 7 at 8 pumalo na sa 152 – NDRRMC

0
47

Pumapalo na sa 152 ang death toll sa dengue sa Regions 6, 7, 8 at 12.

Ang naturang death toll, ayon sa NDRRMC, ay mula January 1 hanggang July 13 kung kailan naitala ang halos 26,000 dengue cases sa naturang apat na rehiyon.

Batay sa tala ng DOH, nasa halos 16,000 ang kaso ng dengue na may 90 patay sa Region 6; halos 10,000 kaso at 62 naman ang patay sa Region 7; 57 kaso sa Region 8 at 308 kaso sa Region 12.

Una nang idineklara ni Health Secretary Francisco Duque III ang national dengue alert dahil sa patuloy na paglobo ng kaso nito kasabay ang pagbuhay sa code blue katuwang ang NDRRMC.