29.8 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Death toll ng COVID-19 sa buong mundo mahigit 200,000 na

- Advertisement -

Pumapalo na sa mahigit 202,000 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.

Nangunguna pa rin ang Amerika sa mga bansang may pinakamaraming kaso ng mga nasawi sa COVID-19 na nasa 53,928 na.

Pumangalawa naman ang Italy na mayroong naitalang 26,384 na mga namatay sa naturang virus.

Sumunod naman ang Spain na may naitalang 22,902 at ang France na may naitalang 22,614.

Lumobo naman sa mahigit 2.8-M ang mga naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 virus sa buong mundo, habang mahigit 815,000 ang mga nakarekober sa buong mundo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -