De Lima hiniling sa korte mabisita ang inang may sakit

De Lima hiniling sa korte mabisita ang inang may sakit

by Powered by DWIZ
82 views

Hiniling ni Sen. Leila De Lima sa Muntilupa Court na siya ay payagang makadalaw sa kaniyang inang may sakit sa Iriga City, Camarines Sur.

Batay sa inihaing “Very urgent motion for furlough ng abogado ng Senador sa Muntilupa RTC Branch 256, umapela ng permiso si De Lima na madalawa ang kaniyang 88 anyos na ina na si Norma Magistrado De Lima sa Agosto 15  o mas maaga pa rito.

Ayon kay De Lima nasa kritikal na kondisyon ang kaniyang ina simula nang maospital itong muli.

Una rito nadiagnose na umano na may Dementia ang kaniyang ina.

Nakulong ang Senadora nuong Pebrero 24, 2017 at 2 beses pa lang nakita De Lima ang kaniyang ina.

 

0 comment

Related Posts