De Castro nanumpa na bilang bagong Chief Justice

0
43

Nanumpa na ang bagong talagang punong mahistrado ng Korte Suprema na si Chief Justice Teresita Leonardo-de Castro.

Ayon sa report, nanumpa si De Castro sa harap ng mga miyembro ng Supreme Court en banc bandang alas-10:30 ng umaga at ngayo’y pinangungunahan na ang sesyon.

Una nang sinalubong ng mga lobo at bulaklak si De Castro sa kaniyang pagdating sa SC building kanina.

Nakatakda namang pormal na makapanumpa ni De Castro kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Agosto 31 habang hinihintay pa ang official transmittal ng appointment papers niya mula sa Office of the President.

Itinalaga ng Pangulo si De Castro noong Sabado at sinabing seniority sa Korte Suprema ang naging batayan niya sa pagpili ng bagong Chief Justice.

(Ulat mula kay Bert Mozo)