DBM nakatakdang isumite ang P4.1-T national budget para sa 2020

0
51

Nakatakdang isumite ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kongreso ang P4.1-T national budget para sa 2020.

Una nang inaprubahan ni Pangulong Duterte at kanyang gabinete ang naturang halaga para maging pondo ng gobyerno sa susunod na taon.

Inaasahang pangungunahan ni acting Budget Secretary Wendel Avisado ang pagsusumite ng national expenditure program sa Kongreso.

Una nang nag pahayag ng kumpiyansa sina House Speaker Alan Peter Cayetano, Majority Leader Martin Romualdez at Minority Leader Bienvinido Abante na maipapasa ang budget bago mag break ang kongreso sa Oktubre 4.