29.8 C
Manila
Sunday, April 14, 2024

Dayuhang dumumi umano sa Intramuros itinanggi ng Intramuros Admin

- Advertisement -

Itinanggi ng Intramuros Administration (IA) ang nagviral na litrato ng isang dayuhan habang dumudumi umano sa isang malaking paso sa Intramuros.

Ayon sa IA, kaagad silang nagpadala ng team sa lugar matapos mabalitaan ang insidente at wala namang nakitang dumi ng tao kung saan sinasabing dumumi ang dayuhan.

Kasabay nito, umapela ang Intramuros sa publiko na maging alerto at mapanuri at kaagad ipaalam sa mga otoridad ang anumang paglabag na nagagawa sa mga heritage site.

Nanawagan din ang IA sa publiko na maging malinis at responsable sa kapaligiran. —ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -