Thursday, June 20, 2024

Davao: Water Tanker, Nawalan Ng Kontrol, Anim Na Sasakyan Nadamay At Dalawang Motorista Sugatan Sa Davao City

- Advertisement -

Davao City – Anim (6) na sasakyan ang nadamay sa aksidente matapos mawalan ng kontrol ang isang water tanker sa Matina Pangi bandang alas-10 ng umaga ngayong araw.

Visit RPN DXKT Davao

Nangyari ang aksidente alas 10:30 ng umaga sa Guadalupe Village kung saan isang water tanker ng Dumoy na minamaneho ni Alex Aquino Nartea, 56 taong gulang ang bumangga sa likuran ng isang Honda Civic na minamaneho ni Janice Mae Ang Yap, 36 taong gulang at residente sa J.P Laurel Avenue sa lungsod.

Sa lakas ng pagkakabangga, nadamay ng Honda Civic ang nakaparadang Kia Bongo sa gilid ng daan at nabangga pa nito ang Isuzu Elf at Isuzu Dropside na parehong nakaparada.

Ang water tanker ay dumiretso ng ilang metro kung saan tinamaan ang isang Honda motorcycle na minamaneho ni Jonathan I. Carmina at angkas na si Cleofe Maraya Carmina. Huling tinamaan ng tanker ang isang pedicab na minamaneho ni Renato Ustan, 55 taong gulang at residente ng Km 6, Matina Pangi.

Nasugatan sa insidente ang mga sakay ng motorsiklo na sina Jonathan at Cleofe na pawang mga residente ng Tinago Village, Matina Pangi, Davao City.

Agad na tumugon sa pangyayari ang ambulansya ng Central 911 dahilan na naisugod agad sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) ang mga nasugatan para sa madaliang atensyon medikal.

Samantala, hindi pa malaman ngayon ang kabuuang danyos ng insidente.

Nasa pangangalaga na ng Talomo Police Station ang drayber ng water tanker.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -