Arestado ang isang taxi driver matapos makuhanan ng shabu sa AFP-PNP Border Control Point sa Lasang, Bunawan, kahapon, Oktubre 13 nitong taon.
Ang illegal na droga ay nagkakahalaga ng ₱72,000 at tumitimbang ng 4.50 gramo.
Arestado si Andy Sairot Doncillo, 45, binata, residente sa Santo Niño, Buhangin, Davao City, na nagmamaneho ng DATTS Taxi.
Nasa kustodiya na ngayon ng Bunawan Police Station ang suspek.
(Source: Bunawan Police Station)
