Davao: P500,000 Reward Sa Makapagbigay Ng Impormasyon Sa Pamamaslang Ng Isang Barangay Chairman At Babaeng Supporter Sa Davao De Oro

0
299

Davao De Oro – Magbibigay ng ₱ 500,000 na reward si Davao de Oro Governor Tyron Uy sa sinomang makapagturo o makapagbigay ng impormasyon sa kung sino man ang nasalikod ng pagbaril – patay kay Barangay Tubo-Tubo, Poblacion Monkayo, Davao de Oro Barangay Chairman Arnold Quizala at Alice Montebon.

Si Quizala at Montebon ay kaalyado at supporters ng pamilyang Uy, ay pinagbabaril-patay dakong alas 10:00 ng umaga noong nakalipas na Sabado, Oktobre 30.

Dismayado at nagdadalamhati si Governor Uy sa nangyaring pagpatay sa dalawang biktima at pinaabot na rin nito sa pamilya ang kaniyang pakikiramay.

Ayon na rin kay Gov. Uy, hindi siya hihinto hanggang hindi mabigyan ng hustiya ang mga biktima at mapanagot ang mga nasalikod ng nasabing krimen. Matatandan na binaril at napatay si Barangay Chairman Quizala at si Montebon sa labas ng bahay ng Barangay Chairman sa Pekabi, Poblacion Monkayo.

Base sa police blotter ng Monkayo Municipal Police Station, dakong alas 9:30 ng umaga noong sabado ay  sinundo si Montebon sa kanyang bahay sa Purok Duranta, Barangay Union, Monkayo, Davao de Oro ng mga suspek na nakasakay ng kulay itim na Toyota Fortuner  na nagpapakilalang mga DITO cell site contractor at nagpasama papunta sa bahay ni Chairman Quizala.

Nang dumating sila sa lugar, nilapitan kaagad ng mga suspek si Chairman Quizala at kaagad na binaril na natamaan sa ulo at agad din na binaril si Montebon na natamaan sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Dinala kaagad sa Davao de Oro Provincial Hospital ang mga biktima kung saan diniklarang dead on arrival ng attending physician.

Tatlong empty shell sa .45 caliber pistol ang narekober sa crime scene. Kilalang kaalyado at supporter ng mga pamilyang Zamora at Uy ang mga biktima. Sa ngayon, wala pa ring nakuhang motibo at suspek ang polisya sa nasabing krimen at patuloy pa rin ang ginawang imbestigasyon.

(Source: Monkayo Municipal Police Station)

Leave a Reply