Nahuli ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office XI at National Bureau of Investigation XI SEMRO ang mga illegal na drogang nagkakahalagang ₱ 165,000 sa ginawang drug buy-bust operation nitong 12:10 ng hapon, Hulyo 5, 2022 sa Purok 36, San Agustin Street, Ulas, Barangay Talomo Proper.
Kinilala ni PDEA XI Regional Director Aileen Lovitos ang target sa buy-bust operation na si Alvin Digap o alyas “Kadong”, isang drayber na 32 taong gulang.
Ayon kay Director Lovitos na nabilhan umano ang suspek ng isang paketeng illegal na droga na tumitimbang ng 1 gramo at may halagang ₱ 6,000.
Nadiskubrihan din ng mga otoridad na may drug den sa lugar at dito nakita ang tatlong mga indibidwal na may sesyon at kasama din sa mga nahuli.
Ito ay sina Edsel Dalagan, John Patric Neri at Ramil Rival.
Nakumpiska ang dalawang mga sachet ng illegal na drogang tumitimbang ng 11 gramo.
Nasa kulungan na ngayong ang apat na suspek at humaharap sa kasong RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
(Source: PDEA XI)
