Davao Occidental – Nakatanggap ng ayuda ang aabot sa 90 na mga trisikel at habal-habal drivers ng Sta. Maria, Davao Occidental mula sa Department of Labor (DOLE) XI, sa ilalim ng Tulong Panghanap-Buhay Sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).
Nagkakahalaga ng ₱ 3,960.00 ang natanggap ng kada isa’ng drivers mula sa budget ng Dumper Partylist sa pamamagitan ni Representative Claudine “Dindee” Bautista-Lim.
Ayon kay Sta. Maria Mayor Joyce Mariscal na una’ng batch pa lamang ito sa pagbibigay ng ayuda kung saan mayroon pang pondo ang inilaan para sa susunod na mga batch ng mga driver.
Sinisiguro ni Congresswoman Bautista-Lim na patuloy na tinitingnan ng Dumper Partylist ang sitwasyon ng mga drayber lalo na gipit na gipit sila ngayon sa kanilang pamamasada dahil sa krisis na hatid ng pandemya, dahilan na kaniyang minamadali ang pagbibigay ng mga ayuda sa pamamagitan ng DOLE-TUPAD Program. Patuloy din ang pamimigay ng mga foodpacks sa mga driver sa ibang lugar.
(Source: DOLE XI)