Thursday, June 20, 2024

Davao: Limang Paaralan Sa Davao City Na Nirekomenda Ang Face-to-Face Classes, Hindi Kasali Sa Naaprobahan Ng DepEd

- Advertisement -

Davao City – Hindi kasali ang limang paaralan dito sa lungsod ng Dabaw sa inirekomenda ng Davao City Anti-covid Task Force sa mga na-aprobahan ng Department of Education (DepEd) para sa pagsasagawa ng face-to-face classes na magsisimula sa Nobyembre 15, 2021.

Ang limang paaralan na inirekomenda  ay ang Dalagdag National High School, G. Tajo National High School, Saloy National High School, Mabuhay Elementary School at Gumitan elementary School.

Sa pinakabagong update ng DepEd, mula sa 638 nominated schools, 59 lang ang nakapasa sa assessment ng face-to-face classes at walang paaralan mula dito sa lungsod ng Dabaw.

Una nang humingi ng pahintulot ang City Government of Davao sa Department of Health (DOH) Davao Region na mabakunahan kontra Covid-19 ang mga mag-aaral na  nasa edad na 12 hanggang 17 taong gulang na kasali sa isasagawang face-to-face classes ng limang mga pilot schools ng Davao City.

Ngunit hindi na ito matuloy matapos na hindi naisali ang limang paaralan sa napa-aprobahan ng DepEd.

(Source: Department of Education)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -