Davao: Lalaking may dalang marijuana, huli ng mga awtoridad

0
0

Matagumpay na nahuli ng Mandug Police Station ang isang 21 taong gulang na lalaki kung saan nakuhaan ng ipinagbabawal na dahon ng marijuana.

Visit RPN DXKT Davao

Kinilala ang nahuling suspek na si Albert Dialang, laborer at residente ng Brgy. Kidadan, Sta. Maria, Davao Occidental.

Nagbebenta ang suspek ng dalawang sachet ng marijuana sa sinasabing buyer at ito ay nagresulta sa kanyang pagkahuli.

Nahulihan ang pusher ng Php2000 buy bust money.

Na recover din ang isang pakete ng marijuana, isang circuit breaker (electric material), at buy bust money.

Tinatansya ang lahat ng drug item na tumitimbang ng humigit 15 gramo at nagkakahalagang P6000.

Nasa kustodiya ng otoridad ngayon ang mga Drug at Non-Drug, humaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(Source: Sta. Maria MPS)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here