29 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Davao: Lalaki Patay Sa Aksidente Sa Sta. Cruz, Davao Del Sur

- Advertisement -

Davao del Sur – Patay ang isang lalaki sa nangyaring vehicular accident ng motor at kotse alas 7:30 ng gabi, Oktobre 26,2021 sa National Highway ng Astorga Proper, Sta Cruz, Davao del Sur.

Kinilala ni Police Major Crisaldo Gaila ng Sta Cruz Municipal Police Station ang biktima na si Ramie Leopardas, 24 anyos at residente ng Barangay Astorga.

Base sa ginawang imbestigasyon napag-alaman na nagmamaneho ng single motorcycle ang biktima kung saan  nakasalubong  niya ang isang kotse sa kabilang lane ng highway  na minamaneho ni Rommel Mediano, 42 anyos , residente ng Tres De Mayo, Digos City.

Binabaybay ng dalawang sasakyan ang opposite lane nang bigla na lamang umabot sa lane ng kotse ang motorsiklong minamaneho ni Leopardas dahilan na nagkabanggaan ang dalawang sasakyan.

Dahil sa lakas ng impact, tumilapon si Leopardas  at nabali pa ang dalawang paa nito at nagkasugat sa ulo na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan. Si Mediano naman ay nasa kustodiya nang polisya at nasampahan na rin ng karampatang kaso.

(Source: Sta Cruz Municipal Police Station)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -