Wednesday, May 29, 2024

Davao: Lalaki, arestado sa anti-illegal drug operation sa Davao city

- Advertisement -

Davao City – Matagumpay ang anti-illegal drug operation ng mga tauhan ng kapulisan sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ ROBEL B. SAAVEDRA, Acting Station Commander ng Mandug Police Station. Naaresto ang isang John Wilson Vilvestre alyas “Brad”, lalaki, 37 taong gulang, isang katutubo mula Glan, Sarangani at residente ng Purok 34, Calinan, Davao City. Nadakip ang nasabing personahe sa pamamagitan ng isinagawang buy-bust operation sa partikular na kanto ng Purok 34, Calinan, Davao City alas-10:05 ng gabi, Nobyembre 25, 2021.

Visit RPN DXKT Davao

Nasa kabuuang tatlong (3) piraso ng plastic sachet ang nakumpiska ng mga awtoridad na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na humigit kumulang 1 gram na may street value na humigit kumulang sixteen thousand pesos (₱ 16 000.00) at isang (1) Lenove Mobile cellular phone.

Ang pagmamarka sa mga piraso ng ebidensya na isinagawa sa lugar ng pag-aresto ay nilahukan ng Elected Barangay Official at ng kinatawan ng DOJ na pumirma sa certificate of inventory of evidence.

Inihanda na ang kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 laban sa naarestong suspek.

(Source: PS 13 Mandug Police Station)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -