35.7 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Davao: Karagdagang P280,000 halaga ng relief goods para sa mga biktima ng bagyong Odette, inihatid ng PNP XI

- Advertisement -

Davao City – Pumunta sa Siargao, Surigao del Norte ang mga tauhan ng Police Regional Office XI para maghatid ng dagdag na relief goods na nagkakahalaga ng ₱ 280,000 para sa mga biktima ng Bagyong Odette.

Visit RPN DXKT Davao

Tumulak ang personahe ng Regional Mobile Force Battalion XI sa pangunguna ni PLt. John Louie Quibol, 1104th Mobile Company Team Leader kasama ang mga miyembro ng Davao Trail Riders Club na pinangunahan ng kanilang team leader na si Mr. Rhowell Matias D. Mangosong alas-2 ng hapon kahapon, Disyembre 26, 2021.

Kalakip ng mga dinalang relief goods ang 44 sako ng bigas, 30 kahon ng bottled water, 20 kahon ng assorted goods at 294 na relief packs. Mayroon ding apat (4) na generator set, 300 piraso ng corrugated sheet, 30 piraso ng plywood at mga pako para sa mga nawalan ng bahay.

(Source: PCADG Davao Region)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -