Davao: Isang lalaking laborer binaril ng dalawang naka-motor

0
161

Patay ang 35-taong gulang na lalaking laborer matapos itong barilin ng dalawng hindi kilalang suspek habang naka sakay ng motor sa Purok Fatima, Brgy. La Paz, Carmen, Davao del Norte, nitong Abril 7, 2022.

Visit RPN DXKT Davao

Ayon sa report habang papunta ang biktima sa bahay ng kaniyang kliyente sa Purok 6, Brgy. Ising, Carmen Davao del Norte.

Gamit ang kaniyang tap down tricycle hindi namalayan ng biktima ang nakasunod na dalawang suspek na nakasakay sa motorsiklo na ka agad bumaril sa biktima.

Iniimbestigahan parin ngayon ng Carmen Police Station ang nasabing krimen.

(Source: PRO XI)

Leave a Reply