Davao: Isang babaeng patay nang makita sa isang inn matapos pinatay ng kaniyang nobyo

0
235

Patay nan ang makita ang isang babae sa loob ng room 133 sa isan inn sa C.M. Recto Avenue Barangay 35-D Davao City nitong 11:35 ng gabi, Hunyo 26, 2022.

Visit RPN DXKT Davao

Base sa police blotter sa San Pedro Police kinilala ang biktima na si alyas Joan, 30 taong gulang, nakatira sa Barangay Malongon Magsaysay Davao del Sur.

Nadiskubri ang bangkay na katawan ng biktima matapos boluntaryong sumuko sa Magsaysay Police Station ang nobyo ng biktima na si Melarry Gulaman, 35 taong gulang na taga Barangay Tacul Magsaysay.

Ayon sa suspek, nitong 3:00 ng hapon, Hunyo 26, may hindi pagkakaintindihang naganap sa kanila matapos kinansela ng biktima ang kanilang planong pagpapakasal na naging resulta ng kaniyang pagsakal sa kaniyang nobya.

Nasa kustodiya ng San Pedro Police Station ang suspek at inilipat sa Magsaysay Police Station. Humaharap ngayon ang suspek sa kasong Homicide.

(Source: KAMM Media Network)

Leave a Reply