Davao: Huli ang isang alayas “Oni” sa buy-bust operation

0
0

Huli sa ginawang Manhunt Charlie Operation sa mga Warrant Officers sa Santo Tomas Municipal Police Station (MPS) ang isang 44 taong gulang na lalaking may kaso.

Visit RPN DXKT Davao

Ginawa ang operasyon sa Purok 1, Brgy. Bobongon, Santo Tomas, Davao del Norte na nagresulta sa pagkahuli ng suspek na si alyas “Oni”, 44 taong gulang at residente sa naturang lugar.

Wala nang nagawa ang suspek ng naibigay na sa kaniya ang warrant of arrest na galing sa korte at humaharap sa kasong Adultery o RPC ART 333.

Makakalabas lamang sa kulungan ang suspek kung babayaran niya ang piyansang Php36,000.

Nasa kustodiya na ngayon ng Santo Tomas MPS ang suspek para sa haharaping kaso.

(Source: Santo Tomas Municipal Police)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here