35.9 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Davao: High Value Target Arestado, P370K Marijuana Narekober

- Advertisement -

Davao Oriental – Humigit-kumulang sa lima’ng kilo ng marijuana na may Dangerous Drug Board (DDB) value na aabot sa ₱ 370,000.00 ang nasabat sa inilunsad na buy-bust operation ng mga otoridad sa National Highway ng Barangay Dahican, Mati City, Davao Oriental noong Oktubre 19, 2021.

Arestado sa operasyon ang suspek na kinilalang si Royroy Binawi Malintad, 25 anyos na residente ng Nagas, Tomoang, Tarragona, Davao Oriental na isang Regional Priority Target 9 at High Value Individual.

Maliban sa malaking halaga ng marijuana, narekober din mula sa suspek ang budol money na ₱ 12,000.00, motorsiklo at cellphone.

Kasong violation ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa laban sa suspek na nakapiit na sa ngayon sa selda ng Mati City Police Station.

Ang operasyon ay inilunsad ng Mati City Police Station kasama ang PDEA Davao Oriental, RPCEU 11, RID-PIT, RIU-PIT at S2 Davao Oriental Police Provincial Office.

(Source: Mati City Police Office)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -