- Advertisement -
Kulong ang isang electrician matapos itong mahuli sa drug buy-bust operation sa Digos Police Station na pinangunahan ni PLt. Diosdado Niones sa ilalim ng supervision ni PLt. Col. Hamlet Lerios nitong 9:44 ng gabi, Hulyo 4, 2022 sa Purok Lanzones, Crumb Bataan St., Brgy. Zone 1.
Kinilala ni PLt. Diosdado Niones ang suspek na si Jordan Cacafranca o alyas “Pak”, 30 taong gulang, na nakatira sa Lapu-Lapu Bataan St. Brgy. Aplaya at pasok sa ika-7 drug watchlist sa Davao Region.
Nabilhan at nakuhaan ang suspek ng isang paketeng illegal na drogang tumitimbang sa 0.74 gramo at nagkakahalagang P11, 100.
(Source: Digos City Police Station)
- Advertisement -