Davao: Batang patungo ng paaralan na tumawid ng pedestrian lane, nasagasaan

0
27

Kaagad na nilapitan ng mga concern citizens ang dalawang mga bata matapos nasagasaan ng motorsiklo habang tumatawid sa pedestrian lane patungo sa kanilang paaralan sa Panacan, Davao City kahapon ng umaga, Setyembre 13, 2022.

Matatandaan, bago pa lamang nagpaalala si City Mayor Sebastian Baste Duterte  na mag ingat sa pagtawid, at sa mga motorista na tumigil kung dadaan sa mga pedestrian lanes sa lungsod upang maiwasan ang disgrasya.

Kinumpirma ni Sasa Police Station Commander Police Major Jake Goles na sumuko na sa mga otoridad ang drayber ng motorsiklo na responsable sa pagka-bangga ng dalawang mga batang estudyante na tumawid sa highway.

Ayon kay Goles na itinanggi ng nakabangga na “hit and run” ang aksidente, ngunit siya ang sasagot sa lahat ng gagastusin sa ospital, kasama na dito ang pagpa-check up sa dalawang mga biktima.

Leave a Reply