Saturday, May 4, 2024

Davao: Asawa at anak ni Ka Oris napatay sa engkwentro sa Bukidnon

- Advertisement -

Napatay sa engkwentro laban militar at rebeldeng grupo ang anak at asawa na lider ng rebeldeng grupong New People’s Army na si Jorge Madlos o “Ka Oris”, Sabado ng hapon sa Brgy. Kapitan Bayong, Impasug-ong, Bukidnon.

Visit RPN DXKT Davao

Sa report galing ng 403rd Infantry Brigade sa Philippine Army, naka-engkwentro ng tropa nang 8th Infantry Battalion sa isang special operation ang grupo ng New People’s Army na naging resulta sa pagkamatay nila Vincent Isagani Madlos at Angie Polandres Salinas.

Nakuha din ng kasundaluhan ang dalawang mga AK47 rifle, hand grenede, mga dokumento, at iba pang mga personal na gamit.

Kung aalahanin, noong nakaraang Oktubre 30, 2021 napatay din ng militar sa engkwentro si Ka Oris na naging lider ng NPA sa isang operasyon sa Barangay Dumalaguin sa Impasug-ong Bukidnon.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img