Davao: Arestado ang lalaki matapos makuhaan ng baril

0
1

Isang 42-anyos na lalaki ang nakulong matapos matagpuan ng mga baril sa pagpapatupad ng Search Warrant ng mga miyembro ng CIDG Davao Del Norte Provincial Field Unit (DNPFU) ng CIDG RFU 11 kasama ang 11 SAB, 115 SAC at Panabo City Police Station alas-6:57 ng umaga ng Miyerkules, Nobyembre 9 sa Purok 1C, Brgy. Malitivas, Panabo City.

Kinilala ni PLt. Col Milgrace Driz, Provincial Officer, CIDG Davao del Norte, residente sa lugar ang suspek na si Brendo de Gracia Yunson.

Batay sa Search Warrant na inilabas ni Hon. Judge Gemma G. Betonio, Executive Judge, RTC, 11th Judicial Region, Panabo City, pinasok ng mga awtoridad ang bahay ng suspek.

Kung saan narekober ang isang (1) Caliber .45 Pistol, isang steel magazine, 12 bala, dalawang (2) improvised jolen gun at isang holster.

Kasong paglabag sa RA 10591 o Illegal Possession of Firearms ang isasampa laban sa suspek.

(Source: CIDG Davao Del Norte Provincial Field Unit (DNPFU))

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here