Davao: 9 na mga barangay sa Zamboanga apektado sa African Swine Fever (ASF)

0
188

Apektado sa African Swine Fever ang 9 sa mga barangay sa Vitali District sa Zamboanga City. Ito ay kinumpirma ng City Veterinarian Officer na si Dr. Mario Arriola.

Visit RPN DXKT Davao

Matapos magsagawa ng rapid test sa mga limang backyard piggeries na ginawa ng insepection team ng City Veterinarian’s Office dahil sa sunod-sunod na pagkamatay ng mga baboy, at ito ay nakumpirma na positibo sa ASF.

Ang 9 na mga barangay ay ang Tagasilay, Mangusu, Vitali, Tctapul, Licomo, Limaong, Sibulao, Taguiti at Tigbalabag.

Ayon kay Dr. Arriola na binabantayan ang siyam na mga barangay sa paglabas ng kanilang produktong baboy sa City proper ng Zamboanga.

Nagpadala din ng mga blood samples sa confirmatory laboratory for ASF testing sa General Santos City

Habang naghihintay ng result, nagsagawa na ng depopulation ang City Vet.

(Source: Zamboanga LGU)

Leave a Reply