Thursday, May 2, 2024

Davao: 3 na mga detainee nakatakas matapos nilagari ang rehas

- Advertisement -

Hindi pa rin nadadakip hanggang ngayon ang tatlong mga detainee na nakatakas nitong Biyernes ng madaling araw, Hunyo 17, 2022.

Visit RPN DXKT Davao

Ayon kay Police Major Ma. Theresita Gaspan, Spokesperson sa Davao City Police Office na ang tatlong mga nakatakas ay pare-parehong may kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nilagari umano nito ang rehas ng selda upang makatakas ang tatlong mga nakakulong.

Dahil sa naturang insidente na-relieved ang Station Commander sa Sasa Police Station na si Police Major Alberto Abella at pinalitan ni Police Major Jose Rodrigo Mendoza nitong Hunyo 20, 2022.

Patuloy ang pag iimbestiga ng Investigation Section sa Davao City Police Office ang naturang insidente lalo na’t kung nasaan ang mga police na iyon, kung saan nakatakas ang tatlo sa mga detainees sa kulungan.

(Source: Sasa Police Station)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img