Inanunsyo ni Davao City Spokesperson Police Major Maria Theresita Gaspan ang mga deploy DCPO at 2000 na mga pulis upang magbantay sa seguridad sa gagawing oath taking ni vice president-elect at outgoing Davao City Inday Sara Duterte ngayong darating na Hunyo 19, 2022, 4:30 ng hapon sa San Pedro Square.
Ayon pa ni Police Major Gaspan na mas pahihigpitin ang seguridad na ipapatupad lalo na’t maraming mga bisita ang dadalo, isa na dito si Pangulong Rodrigo Duterte at President-elect Ferdinand “Bongbong Marcos Jr.
Magpapatupad din ng ramdom checkpoint sa iba’t-ibang lugar sa araw ng Hunyo 19, patuloy pa din ang pagpaplano at pakiki-usap ng DCPO sa mga organizers at sa PSG upang higitan pa ang security measures na iapapatupad.
(Source: PRO XI)