Davao: 1 million pesos na halaga ng nasmuggul na sigaretong naalam sa checkpoint

    0
    3

    Humigit-kumulang 2,050 reams ng umano’y smuggled na sigarilyo na lulan sa isang trak ang hindi nakarating sa gitnang bahagi ng Davao City matapos silang harangin ng Border Control Point ng TF-Davao at Toril Police sa Barangay Sirawan, Davao City dakong 12:40 ng madaling araw, Oktubre 18, 2022.

    Visit RPN DXKT Davao

    Arestado ang apat na suspek kabilang ang driver ng forward truck na may kargang sigarilyo at kinilala ng TF-Davao na sina; Arturo Albania, 55 anyos, Glen Lumapas, 46 anyos, Alvin John Elorcha, 27 anyos at Nolven Reponte, 31 anyos. Kapwa residente ng Sinawilan, Matanao, Davao Del Sur.

    Tinatayang nagkakahalaga ng 1,025,000 pesos ang mga naharang na smuggled na sigarilyo.

    Ikinulong na ng Toril Police Station ang mga suspek na maaaring kasuhan ng paglabag sa Republic Act 4712 o The Tariff and Customs Code of the Philippines.

    Pinuri ni TF-Davao Commander Col. Darren Comia ang mga sundalo at pulis sa Sirawan Checkpoint sa matagumpay na pagharang ng mga kontrabando.

    (Source: TF-Davao)

    Leave a Reply