Dating U.S. two-time welterweight champion target makasagupa si Pacquiao

Dating U.S. two-time welterweight champion target makasagupa si Pacquiao

by Powered by DWIZ
0 comment 15 views

Target umanong makalaban ni Shawn Porter sa 2020 si Senador Manny Pacquiao.

Ayon sa dating two time welterweight champion mula sa Las Vegas magandang makaharap niya ang fighting senator bagamat kinukunsider din niyang makalaban ang isa pang boksingerong si Danny Garcia.

Tulad ng iba pang boksingero inamin ni Porter na pangarap niyang makaharap sa boxing ring ang legendary Pinoy boxer.

Gayunman sinabi ni Porter na posibleng mauna niyang makaharap si Garcia sakaling hindi matuloy ang pakikipag sagupa nito kay Errol Spence sa unang quarter ng susunod na taon.

0 comment

Related Posts