Dating Speaker Fuentebella, Dinala Na Sa Kanyang Huling Hantungan Ngayong Umaga

0
32

Iriga City — Nailibing na kaninang umaga sa kanyang huling himlayan si dating house speaker Arnulfo “Noli” Fuentebella ng ika-apat na distrito ng Camarines Sur, matapos ang isang linggong lamay.

Bago ang libing nagkaroon muna ng requiem mass sa St. Andrew, the apostle parish sa Sangay bago dinala sa Goa Catholic Cemetery.

Sa naging pahayag ni Cong. Arnie Fuentebella, kanyang pinasalamatan ang lahat na kaibigan, mga taga-suporta at mga kababayan sa ibinigay na suporta sa pamilya Fuentebella sa panahon ng kanilang pagdadalamhati.

Kilalang mga politico sa lalawigan, mga dating kasamahan sa kongreso ni Fuentebella ang naging bisita sa libing ng dating house speaker.

Naging house speaker si Fuentebella, noong panahon ni dating pangulong Joseph “Erap” Estrada at siya ang tatay ni Energy Usec. Wimpy Fuentebella. (OIC Melvin Barayoga, RPN DZKI Iriga)

 

(Source: Cong. Arnie Fuentebella)

Leave a Reply