Dating MBA player patay ng barilin sa Bacolod

0
48

Nasawi ang isang dating Metropolitan Basketball Association (MBA) player makaraang barilin sa loob ng isang fitness gym sa Barangay Villamonte, Bacolod City.

Ayon sa pulisya, dead on the spot ang biktimang si Manuel Huelar bunsod ng tama ng bala sa ulo mula sa baril ng hindi pa nakikilalang salarin.

Bago ito, isiniwalat ng may-ari ng gym na may tumawag kay huelar kaya’t lumabas ito at doon na binaril ang biktima na dating player ng Negros Slashers.

Sa rekord ng mga awtoridad, dating chairman ng Barangay 35 sa lungsod si Huelar ngunit nahuli ito sa isang buy-bust operation noong 2016 at nakalaya makaraan ang dalawang taon.