Dating guro arestado dahil sa iligal na droga

0
47

Arestado ng Bacoor City Police ang 1 dating guro sa ikinasang Drug Buy Bust operations ng pulisya sa Brgy. Molino Tres sa nasabing lungsod

Kinilala ni Bacoor City Police Chief P/Ltc. Vicente Cabatingan ang naaresto na si Joel Geronimo na dating Department Head ng isang kolehiyo sa Muntinlupa City

Nakumpiska ng mga awtoridad mula kay Geronimo ang 3 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng 20 libong piso

Dahil dito, nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 1965 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Geronimo