Dating aktres na si Iwa Moto nadawit sa bangayan ng Barretto sisters

Dating aktres na si Iwa Moto nadawit sa bangayan ng Barretto sisters

by Powered by DWIZ
0 comment 13 views

Nakaladkad ang pangalan ng dating aktres na si Iwa Moto sa bangayan ng magkakapatid na Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto.

Ito ay matapos mag-post si Claudine sa instagram kaugnay sa pangungutya umano ni Marjorie sakanyang mental illness na siya naman kinomentuhan ni Iwa.

Ayon kay Iwa, alam niya ang hirap na pinagdadanan ni Claudine dahil nagkaroon rin siya noon ng mental disorder kung kaya’t ang payo nito sa bumabatikos sa mental illness ni Claudine na huwag maging bastos at magpatingin sa doktor dahil baka kaylangan niya ito.

Agad naman itong binatikos ng mga netizens na aniya’y sumasawsaw sa away ng Barretto sisters dahil halatang si Marjorie ang pinatatamaan nito.

Sa huli, ipinagtanggol naman ni Iwa ang kanyang sarili at iginiit pa na mali na gawing biro ang pinagdadaanang mental illness ni Claudine.

0 comment

Related Posts