35 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Daraga Mayor Baldo hinamong harapin ang kaso laban sa kanya

- Advertisement -

Hinamon ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde si Daraga Mayor Carlwyn Baldo na harapin ang kasong isinampa laban sa kanya.

Ito ay matapos tukuyin ng PNP si Baldo bilang mastermind sa pagpatay kay Ako Bicol Party-list Representative Rodel Batocabe.

Kahapon, kinasuhan na ng Albay Provincial Prosecutors Office si Baldo at anim na iba pang suspek ng double murder at anim na bilang ng multiple frustrated murder.

Batay sa inisyal na impormasyon, hindi mahagilap sa ngayon si Baldo at may usap-usapang posibleng nakalabas na ito ng bansa.

“Sa atin po eh harapin niya ang kaso, kung sinasabi niya pong siya ay inosente then malalaman naman po ng korte ‘yan, the court is the right agency para magsabi siya kung ano talaga ang nangyari at kung wala talaga siyang kasalanan.” Ani Albayalde

  (Ratsada Balita Interview)

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -