Dapat nang magkaroon ang PNP ng permanenteng hepe sa January 2020 — Banac

0
12

Dapat nang magkaroon ang PNP ng permanenteng hepe sa January 2020.

Ito ayon kay PNP Spokesman Brigadier General Bernard Banac ay dahil iisang PNP chief lamang dapat ang pumirma sa mga dokumento para sa pagsisimula ng procurement.

Gayunman, sinabi ni Banac na wala namang problema kung hindi pa makapili ng bagong PNP chief si Pangulong Rodrigo Duterte dahil mahaba pa naman ang taon para isagawa ang procurement. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)