Monday, May 6, 2024

Daloy sa pag-uwi ng Balagiga Bells sa Eastern Samar inilatag na

- Advertisement -

Inilalatag na ng mga residente ng Balangiga ang magiging daloy at patakaran sa seremonya ng pagbabalik ng tatlong (3) makasaysayang kampana sa Balangiga, Eastern Samar.

Ipinamigay na rin nitong Huwebes ang mga imbitasyon sa iba-ibang parokya sa naturang probinsya.

Gayunman, wala pang tiyak na oras ang mga aktibidad dahil hinihintay pa ang pagpupulong ng parokya at lokal na pamahalaan sa probinsya para sa Presidential Management Staff.

Kasabay ng pormal na pagsasauli ng tatlong (3) kampana ay ang pagdaraos ng misa ng pasasalamat sa ibaba mismo ng altar ng simbahan.

Inaasahan din ang pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang mga opisyal ng pamahalaan maging ang anim (6) na obispo.

Sa kabila naman ng kaba at tuwa ng mga mamamayan na dadalo sa seremonya ay nagpaalala ang parish priest ng Balangiga Church na si Father Lentoy Tybaco na iwasan muna ang pagse-selfie at paghawak sa mga kampana oras na maipakita na ito sa mga tao.

Samantala, tumutol naman ang simbahan sa mungkahi ni Senador Juan Miguel Zubiri na ipahiram muna ang isa sa mga kampana sa National Museum para masaksihan din ng iba pang Pilipino.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img