Dalawang tren sa Mexico nagbanggan

0
11

Isa ang patay habang 41 ang sugatan sa banggaan ng dalawang tren ng underground metro network sa Mexico.

Ayon kay Mexico City Mayor Claudia Sheinbaum, nangyari ang insidente sa Tacubaya station sa kanlurang bahagi ng lungsod.

Aniya, 25 pasahero ang agad na isinugod sa ospital bagama’t wala namang tinamong mga seryosong pinsala sa katawan ang mga ito.

Batay sa ulat isa sa dalawang tren ang dumausdus dahilan kaya sumalpok at umibabaw ito sa isa pang tren.

Nagpapatuloy naman ang imbestigayon sa insidente.