Dalawang Pinoy patay sa aksidente sa New Zealand

0
71

Patay ang dalawang Pilipino at tatlong iba pa ang sugatan nang mabangga ng tren ang sinasakyan nilang kotse sa New Zealand.

Ayon kay Ambassador Jesus Domingo, ang insidente ay nangyari malapit sa bay of plenty sa Northern New Zealand habang patawid ng riles ang kotse ng mga biktima.

Sinabi ni Domingo na dalawa sa tatlong nasugatang Pinoy ay malubhang nasugatan subalit nasa maayos nang kondisyon.

Hindi pa aniya maipalabas ang pangalan ng mga biktima na kakarating lamang sa New Zealand noong isang linggo para mag trabaho bilang fruit pickers.

Inihayag ni Domingo na nakikipag ugnayan pa sila sa employers at pamilya ng mga biktima na kaagad naman nilang bibigyan ng tulong.