30.6 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Dalawang Pilipina dinukot sa Baghdad, Iraq

- Advertisement -

Dalawang hindi pa nakikilalang Pilipina ang dinukot sa Baghdad, Iraq.

Ayon sa mga awtoridad, bumabiyahe ang dalawang Pinay mula baghdad kasama ang tatlong iba pang dayuhan patungo sa  lungsod ng Erbil, sa Kurdistan province nang tumirik ang kanilang kotse.

Lumabas ang dalawang babae sa sasakyan subalit ilang hindi nakilalang lalaking lulan ng isang dilaw na kotse ang humarurot at tumangay sa mga nasabing Pinay.

Nito lamang mga nakalipas na linggo, ilang babae rin ang dinukot ng mga hinihinalang miyembro ng Islamic state malapit sa naturang lugar.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -