Sunday, April 28, 2024

Dalawang packer ng gulay huli sa drug session sa La Trinidad Benguet

- Advertisement -

(Baguio City-La Trinidad, Benguet) Hinuli ng mga maykapangyarihan ang dalawang lalaki sa akto ng pagsasagawa ng pot session sa Buyagan, Poblacion, La Trinidad, Benguet sa oras ng 11:50 ng gabi Hulyo a 6, 2023 sa pamamagitan ng pagsumbong ng isang residente doon.

Kinilala ng Drug Enforcement Unit ng La Trinidad Municipal Police Station ang mga nahuling suspek na sila Gilbert Galang Pascual, may edad na 31 anos, walang asawa, isang vegetable packer at si Marlon San Juan Yuzon 28-anyos, walang asawa, isa din na vegetable packer, at parehong tubo ng Gapan, Nueva Ecija.

Nakumpiska sa mga vegetable packers ang dalawang plastic sachets na naglalaman ng Shabu na may bigat na 0.10 gramo at nagkakahalaga ng ₱680. May isang hindi naubos na unconsumed plastic sachet na naglalaman ng white crystaline substance, aluminon foil na may latak o residue, dalawang ballot ng aluminum foil at dalawang lighter.

Sila Pascual at Yuzon ay nakalista bilang Street Level Individual Drug Personality. Naidala ang mga ito sa La Trinidad Municipal Police Station para sa karampatang dokumentasyon at ang paghahanda ng kaso sa paglabag ng RA 9165 o ang Comprehensive of Dangerous Drugs Act of 2002. (RPN-Baguio/Joel Cervantes)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -